MANILA, Philippines - Milyun-milyong halaga ng iba’t ibang electrical products ang nasamsam ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa ginawang pagsalakay sa iba’t ibang gusali at bodega sa Binondo, Maynila.
Gayunman bigo ang puÂlisya na maaresto ang mga may-ari ng mga sinalakay na bodega na nakatakda rin namang sampahan ng kaukulang mga kaso.
Sa ulat ng NCRPO, ang raid ay isinagawa makaraang isang residente sa lungsod ng Malabon ang nagreklamo sa nabili niyang mga panindang depektibong mga electrical products sa isang kilalang supplier sa Binondo, Maynila. Dito nagsagawa ng test buy ang pulisya at natuklasan na “expired at recycled†ang mga nabiling produkto.
Isinagawa ang raid sa bisa ng search warrant si Judge Zaldy Docena ng Malabon Regional Trial Court Branch 170.
Sinalakay ng mga pulis ang Unit 101-G7 Sons Building sa #646 Pereira St., Muelle de Binondo, tatlong bodega na pag-aari ng isang Jonathan Hou at 12 pang ibang Tsinoy sa ikatlong palapag ng Birch Tree Plaza sa #8250 Muelle de Industria; Unit 108 Li Seng Giap at Unit 606 sa #517 Camba St., lahat sa Binondo.
Dito nasamsam at nakumpiska ang bulto-bultong mga electrical products na pinaniniwalaang mga depektibo at mga peke habang wala naman umano ang mga may-ari ng naturang mga establisimento at ng mga bodega nang isagawa ang pagsalakay.