Mid-year bonus pagkakaloob sa mga empleyado ng QC Hall

MANILA, Philippines - Upang may magamit na panggastos ngayong pa­sukan sa pagpapaaral sa mga anak, ipinag-utos ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na ipagkaloob ang mid-year bonus ng mga empleyado ng Quezon City hall ngayong panahon ng enrollment­.

Inatasan ni Mayor Bau­tista ang city budget, accounting at treasury departments na ipalabas ang naturang pondo ng hindi lalampas ng May 30.

Ang mid-year bonus ay kasinghalaga ng kalahati ng basic monthly salary ng mga empleyado at dagdag na  50% cash gift na may halagang  P2,500.  

May mahigit sa 5,000 elective at appointive re­gular plantilla city-paid personnel ang tatanggap ng naturang benepisyo.

 

Show comments