15-0 victory sa Navotas, kuha ng Partido Navoteño
MANILA, Philippines - Iprinoklama na ang pagkapanalo ng 15 kandidato mula sa Partido Navotenio-UNA Coalition na pinangungunahan nina Cong. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco kahapon ng umaga.
Sa unang pagkaÂka taon, nakuha ng nasa bing partido ang lahat ng posisyon para sa KinaÂtawan, Alkalde, Bise Alkalde at 12 upuan para Konsehal ng District 1 at 2 ng lungsod.
Si re-electionist Congressman Toby Tiangco na siya ring campaign maÂÂnager ng United Nationalist Alliance (UNA) ay muling naihalal sa pamamagitan ng 69,107 votes kumapara sa katunggali nito na si former BIR lawyer Rico Jose “Icoy†De Guzman na nakakuha ng 17, 048 votes.
Muli ring nakuha ni Mayor John Rey Tiangco ang mayoral slate sa paÂmamagitan ng 60,277 votes. Ang dating kakampi at incumbent vice mayor ng lungsod na si Patrick Joseph Javier ay nakakuha ng 29,387 votes.
Samantala, ang incumbent councilor Clint Nicolas Geronimo ang papalit bilang Vice Mayor ng lungsod na nakuha ang posisyon sa 53,231 votes laban sa 32,951 votes ng incumbent counÂÂcillor na si Ma. Elsa Bautista.
Ang Sangguniang Panlungsod ay bubuuin din ng 12 kandidato mula sa Partido Navoteño – UNA Coalition:
District 1: Doc Rey Monroy (UNA): 31,249; Jack Santiago (UNA): 26,537; Ethel Arriola (UNA): 26,236; Tarok Maño (UNA): 25,820; Richard San Juan (UNA): 25,332; Boy Vicencio (UNA): 24,690.
District 2: Marielle Del Rosario (UNA): 31,498; Steve Naval (UNA): 30,154; Nico Magbilay (LP): 28,939; Ricky Gino-Gino (UNA): 26,744; Orlie Castro (UNA): 24,931; Don De Guzman (UNA): 24,101.
Sa isang maikling mensahe matapos ang misa, ipinahayag ni Cong. Toby at Mayor John Rey Tiangco na susuklian nila ng mas masigasig pang pagseserbisyo-publiko ang buong tiwalang ibiÂnigay ng mamamayan ng Navotas sa kanilang partido at mga kasangga sa paglilingkod.
- Latest