2 Purok leader pinagbabaril:1 patay, 1 sugatan

MANILA, Philippines - Patay ang isang purok leader habang su­gatan ang kapwa nito purok leader nang barilin ang mga ito ng dalawang kalalakihan na naka motorcycle riding in tandem kama­kalawa sa Caloocan City.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa kaliwang leeg ang biktimang si Manny Cope, 45, residente ng Phase 1, Bagong Silang ng naturang lungsod habang ginagamot naman sa East Avenue Me­dical Center sanhi ng tama ng bala sa kaliwang braso si Gilberto Suarez.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspect at ina­alam pa ang pagka­ki­lanlan ng mga ito.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon sa Phase 1, Bagong Silang ng naturang lungsod.

Nabatid na nag-iinuman ang mga biktima sa tapat ng bahay ni Cope nang dumating ang mga suspect na kapwa naka-helmet at binaril  si Cope.

Tumagos ang bala at tumama kay Sua­rez na naging dahilan upang dalhin ito sa na­banggit na ospital at matapos ang pa­ma­maril ay mabilis na  tumakas  ang mga sus­pect sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Inaalam na ng mga pulis kung may kaugnayan ang insidente sa katatapos lang na halalan.

 

Show comments