Japanese nagbigti

MANILA, Philippines - Bangkay na ng matagpuan ang isang Japanese national matapos umano itong magbigti sa isang puno sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Nakilala ang biktima na si Oka Osama, 66, ng Higashi-Funahashi at nanunuluyan sa Eaterlily­ St., BF Homes, Deparo ng naturang  lungsod.

Ayon sa report ng Caloocan City Police, alas-6:30 ng gabi nang hanapin ng interpreter na si Romeo Ramil ang biktima at  nakitang nakabigti ng tela sa isang  puno sa labas ng inuupahan nitong apartment sa nasabing lugar.

Agad namang tumawag ng pulis si Ramil upang masiyasat ang bagkay  at malaman kung may foul play sa pagkamatay ng naturang dayuhan.

Show comments