^

Metro

Bistek, Belmonte landslide winner sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa Quezon City, landslide winner sina reelectionist  Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte base sa latest canvassing na ginawa ng Commission on Elections ganap na alas-5:45 ng umaga kahapon.

Naiproklama na rin ang mga nanalo kahapon ng hapon.

Si Bautista  ay nakakuha ng 558,276 na boto na may mas malaking kalamangan sa kalabang si Johnny Chang na nakakuha ng 54,312 votes.

Si Vice Mayor Belmonte naman ay nakakuha ng 562,582 votes na milya-milya ang lamang sa kalabang si  Rolando Jota na mayroon lamang 39,345 votes.

Sa mga kongresista naman sa District 1, si Boy Calalay – 62,710 votes at Rita Crisologo na may 57,642. Sa District 2 si Winston Castelo — 81,645, Ismael Mathay III — 46,521. Sa District 3 – si Jorge John Banal ay may botong 49,731 at si Mat Defensor na nakakuha ng 39,513 votes.

Si Speaker Feliciano Belmonte na tumakbong re­electionist sa District 4 ay nakakuha ng botong 96,682 na malayung-malayo sa nakuhang boto ng kalaban nitong si Hans Palacios na may 9,762 votes lamang.

Sa District 5 ay nakakuha naman ng botong 67,753 votes  ang actor-councilor na si  Alfred Vargas na siyang nangunguna sa mga tumakbong representante sa naturang distrito, Annie Rosa Susano, 26,267 votes at Dante Liban, 11,553 votes.

Wala namang kalaban sa pagka-kongresista ng District 6 si Kit Belmonte na nakakuha ng 77,982 votes.

ALFRED VARGAS

ANNIE ROSA SUSANO

BOY CALALAY

DANTE LIBAN

HANS PALACIOS

ISMAEL MATHAY

JOHNNY CHANG

JORGE JOHN BANAL

KIT BELMONTE

SA DISTRICT

VOTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with