MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang masayang pagdaÂraos ng “Search for Feeling Pogi 2013â€, nang makuryente ang dalawang binatilyo kung saan nasawi ang isa, nang mahawakan ang bakal na nasa ibaba ng stage sa Parola Compound, Port Area, Maynila, kamaÂkalawa ng gabi.
Hindi na naisalba sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si John Quel, 13-anyos, ng Parola Compound, Tondo, Maynila, habang inoobserbahan pa sa nasabing pagamutan ang isa pang biktima na si JL Mark Zabala, 11.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:25 ng gabi nang maganap ang insidente habang rumaÂrampa na umano ang mga contestants sa stage nang biglang tumumba si Quel sa sementadong kalÂsada kaya sa pagkabigla ni Zabala na katabi niya, ay tinulungan niya ito subalit siya man ay nakuryente.
Mabilis namang isinugod sa nabanggit na osÂpital ang dalawang biktima pero nasawi rin si Quel, habang si Zabala ay patuloy pa ring inoobserbahan.
Ang patimpalak ay inorganisa umano ng Rivas Gay Club na nakipag-ugnayan na sa mga pamilya ng mga biktima para sa gastusin. Posibleng hindi na umano ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa nasabing grupo.