MANILA, Philippines - Patay ang isang 7-anyos na batang lalaki habang nangunguha ito ng pako matapos maatrasan ng isang traktora kamakaÂlawa sa Caloocan City.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jaymark Tongol, ng Sabalo St., ng naturang lungsod.
Nasa custody naman ng pulisya ang operator ng traktora na si Agustin Centino, ng Dasmariñas, Cavite.
Naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon, habang nakahinto ang tractor head (RGT-637) ng susÂpek at naghihintay na makapasok sa container yard sa AccoÂhomes, Brgy. 14 ng naturang lungsod.
Sa oras na iyon, ang biktima naman ay naÂngunguha ng mga pako para maibenta nito sa bandang likod ng traktora. Hindi umano nakita ng suspect na nasa likod ang paslit na kanyang naatrasan. Nakuha pang makaÂsigaw ng paslit at agad namang isinugod ng suspect sa ospital subaÂlit hindi na naiÂsalba ang buhay nito. Sumuko naman sa pulisya ang suspect na si Centino.