^

Metro

Lalaki nagpasagasa sa MRT

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nasawi makaraang tumalon sa riles at magpasagasa sa tren ng Metro Rail Transit (MRT 3) sa Guadalupe Station sa Makati City kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga­ nang tumalon ang lalaki na nasa edad 20-30 anyos, nakasuot ng asul na t-shirt at shorts sa northbound rail track o patungong Cubao.

Pumailalim ang biktima sa ikalawang coach ng tren at nakaladkad ng halos 30 metro.

Dahil dito, kalunos-lunos ang sinapit ng biktima nang madurog ang katawan at ulo sa pagkakakaladkad.

Kitang-kita naman sa kuha ng closed circuit television (CCTV) ang pagtalon ng biktima, ayon kay MRT Gen. Manager Al Vitangcol.

Dahil dito, higit tatlong oras na natigil ang operasyon ng MRT at libu-libong pasahero ang na-stranded habang iba ang nagpasya na maglakad sa riles at sumakay na lamang ng bus.

Nabatid na dakong alas-11:15 na ng umaga­ nang matanggal ang bangkay at madala sa Veronica Funeral Homes ang labi nito habang hinihintay ang mga kapamilya nito.  Tanging isang susi sa bulsa ng shorts nito lamang ang nakuha na maaaring magamit sa pagkilala dito.

Sa harap ng mga tumataas na kaso ng pagpapakamatay sa MRT at LRT, pinag-aaralan na ngayon ang paglalagay ng barrier at passenger door sa mga platform tulad ng sistema sa ibang bansa.

AYON

CUBAO

DAHIL

GUADALUPE STATION

ISANG

MAKATI CITY

MANAGER AL VITANGCOL

METRO RAIL TRANSIT

VERONICA FUNERAL HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with