Naaagnas na bangkay ng lolo, nadiskubre
MANILA, Philippines - Dahil sa masangsang na amoy, nadiskubre ang naaÂagnas ng bangkay ng isang lolo ng kanyang mga kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.
Nakilala ang biktima na si Romeo De Guzman, 71 ng Gov. Pascual St., Sipac Almacen ng natuÂrang lungsod. Wala namang pinsala sa katawan na natagpuan tanda na maaaring sa sakit nasawi ang matanda.
Base sa ulat ng pulisya, alas-7 ng gabi nang mapansin nina Jenaro Ambrocio, pedicab driver, ang masangÂsang na amoy buhat sa bahay ng matandang si De Guzman.
Ipinagbigay-alam nito ang hinala sa mga opisyal ng barangay na nagtungo sa lugar at sapilitang binuksan ang bahay nang walang tumutugon sa kanilang tawag. Dito tumambad ang bangkay ng matanda na nag-uumÂÂ pisa nang maagnas.
Ayon sa pulisya, maaÂaring may dalawa o tatlong araw nang nasasawi ang biktima na posibleng inatake sa puso o na-stroke dahil sa sobrang init ng pana hon.
- Latest