^

Metro

Bank teller hinoldap

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng 35-anyos na lalaki matapos dakmain ng pulisya sa kasong panghoholdap sa isang bank teller sa Quezon City kahapon ng umaga.

Pormal na kinasuhan ang suspect na si Ernesto dela Peña, 35, habang dinismis naman ni Assistant City Pro­secutor Maria Raissa Geronimo ang kasong paglabag sa election gun ban laban sa suspect dahil sa kawalan ng sapat na ibidensya.

Sa ulat ni PO2 Romeo Niño II, papasok na sa banko ang biktimang si Aileen Manongsong hawak ang cell phone at handbag nang lapitan at tutukan ng patalim ng suspect pagsapit sa panulukan ng EDSA at Kamuning Road.

Dito na nagdeklara ng holdap ang suspect laban sa biktima kung saan bago tumakas ay tinangay ang cell phone ng dalaga.

Nakahingi naman ng saklolo si Manongsong sa dalawang nagpa­patrulyang sina SPO1 Kristo Romualdo at PO2 Dandy Pascacio kaya nasakote ang suspect sa harap ng JAC Liner Bus terminal.

 

AILEEN MANONGSONG

ASSISTANT CITY PRO

DANDY PASCACIO

KAMUNING ROAD

KRISTO ROMUALDO

LINER BUS

MARIA RAISSA GERONIMO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with