^

Metro

Mister niresbakan ng pedicab driver

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa sariling kamay na hinusgahan ng pedicab driver ang kanyang kapitbahay na sinasabing may atraso makaraang saksakin nito habang natutulog kahapon ng madaling-araw sa San Andres Bukid, Maynila.

Napuruhan sa dibdib at hindi na umabot ng buhay sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Jonathan Elazegue, 33,  may-asawa,  ng Tenorio Street, Dagonoy, San Andres Bukid habang hinahanting naman ng pulisya ang suspect na si Francisco Cuevas, 25.

Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:25 ng madaling-araw nang maganap  ang krimen sa panulukan ng Dagonoy at Tenorio Streets.

Mahimbing na natutulog ang biktma sa papag na kahoy nang lapitan at pagsasaksakin ng suspect.

Nabatid na ang suspect ay naghain  ng kasong physical injuries sa Manila City Prosecutor laban sa biktima kaugnay sa kasong pananaksak may ilang araw na ang nakalipas.

Pinaniniwalaang natiyempuhan ng suspect na nakahiga ang biktima saka isinagawa ang krimen.

 

ANA HOSPITAL

DAGONOY

FRANCISCO CUEVAS

JONATHAN ELAZEGUE

JUPITER TAJONERA

MANILA CITY PROSECUTOR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

SAN ANDRES BUKID

TENORIO STREET

TENORIO STREETS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with