Lalaki dedo sa pagsabit sa estribo
MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos na umano’y mahulog habang nakasabit sa estribo ng isang pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa ospital dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Frankie Castro, 43, empleyado ng gobyerno, at residente ng Brgy. Commonwealth sa lungsod.
Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Elliptical Road, malapit sa Commonwealth Avenue, ganap na alas-7:30 ng gabi habang ang biktima ay nakasabit sa estribo ng pampasaherong jeepney (DET-781) na minamaneho ng isang Andrew Pores, 34. Ilang sandali pa, bigla na lamang umanong nahulog ang biktima sa kalsada na nagresulta upang magtamo siya ng matinding pinsala sa buong katawan.
Nagawa pang maitakbo ng driver ang biktima sa East Avenue Medical Center, pero hindi na rin ito umabot pa ng buhay.
- Latest