^

Metro

QC fire: 100 bahay naabo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 100 kabahayan na kinabibilangan ng 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang sunog na naganap  sa kanilang lugar dulot umano ng sumiklab na kuryente sa lungsod Quezon,  kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay SFO2 Fortunato Alde ng Quezon City Fire Station, nagsimula ang sunog sa   bahay umano ng isang Abdul Estrera, na matatagpuan sa   9 Chapel Area, Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, ganap na alas-9:25 ng umaga.

Diumano, bigla na lamang may nag-spark sa  bahay ni Estrera, hanggang sa tuluyang sumiklab at kumalat ang apoy sa iba pang kabahayan, dahil na rin sa gawa lamang ang mga ito sa light materials.

Dagdag ni Alde, umabot sa Task Force Bravo ang nasabing sunog, kung saan dalawa sa mga residente na sina Kenneth Ross, 23, at Jeremy Balta, 30, ang nasugatan matapos na magtamo ng sugat sa hita at kamay.

Ganap na alas-11:15 ng umaga nang tuluyang idek­larang fire out ang nasabing sunog.

Tinatayang aabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala sa nasabing insidente.

ABDUL ESTRERA

BAHAY TORO

CHAPEL AREA

FORTUNATO ALDE

JEREMY BALTA

KENNETH ROSS

QUEZON CITY FIRE STATION

SITIO MILITAR

TASK FORCE BRAVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with