2-anyos babae natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Doble dagok ang si­ napit ng isang pamilya sa Makati City makaraang mawalan ng tirahan at masawi ang 2-anyos na anak na babae sa isang sunog na tumama sa ka­nilang lugar, kahapon ng madaling-araw

Kinilala ni F/Sr. Insp. Tito Purgatorio, hepe ng Investigation and Intelligence Division ng Makati Fire Department ang bik­­tima na si Leilzei Joy Buyco. Sunog na sunog ang biktima matapos madaganan ng mga debris ng nasunog nilang bahay.

Sa imbestigasyon, nag­simula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Buyco sa kanto ng Arellano at Zobel Roxas St. dakong alas-2:10 ng madaling- araw na kaagad itinaas sa ika-limang alarma ma­tapos mabilis na ku­malat sa mga kabaha­yan na pawang gawa sa kahoy.

Ayon sa amang si  Dariel Buyco, 21, nailabas na niya sa kanilang bahay ang anak at iniwan sa pangangalaga ng kapitbahay subalit hindi nila namalayan na bumalik ito habang abala sila sa paghahakot ng gamit.

Umabot lamang ng mahigit 30 minutos bago naapula ng may 45 fire trucks ang sunog dakong alas-2:45.

Show comments