2 holdaper timbog, bugbog-sarado sa taumbayan

 MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang itinuturong holdaper ng pampasaherong jeep, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni P/Senior Inspector Wilson delos Santos­ ng Tayuman-Police Community Precinct, naaresto ang mga suspect na kinilalang sina Martin Tanghal, 23, na nagawa pang putukan ang mga pulis ba­­ga­mat walang tinamaan at Odin Dineros, na nagtamo ng mga bukol, pasa at nagsarado pa ang mga mata sa bugbog  ng taumbayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagdeklara ng holdap­ ang dalawang suspect sa bahagi ng Perfecto St., malapit sa panulukan ng Tayuman at tinutukan ng baril ang kanilang mga katabing babaeng pasahero.

Nang makatakas ang dalawang suspect ay agad na du­mulog­ ang mga biktima malapit lamang sa presinto.

Nang habulin ng mga pulis ay nagawa pang ma­kipag­barilan ni Tanghal, habang nakatakbo naman si Dineros subalit hindi naman pinaligtas ng taumbayan at kinuyog siya hanggang sa arestuhin na rin  ng mga awtoridad.

Narekober mula sa mga suspect ang ginamit na kalibre .22 at kalibre .38 at ang bag ng isang pasaherong biktima.

 

Show comments