2 Koreano timbog sa human trafficking
MANILA, Philippines - Naisalba ang 21 katao, kabilang ang apat na menor de edad, sa kamay ng mga nagpanggap na Christian ministers sa loob ng isang seminaryo sa Tent City, Brgy. Planas, Porac, Pampanga, noong nakalipas na Lunes.
Sa halip na magpakalat ng mga salita ng Panginoon, pawang pang-aabuso sa mga Pinoy ang dala ng naarestong Korean nationals na kinilala ni National Bureau of Investigation – Central Luzon Regional Office (NBI-CELRO) Acting Director Jose Justo Yap na sina Rev. Oh Si Young at Lee Yeon Ho.
Sila ay kinasuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng paglabag sa Republic Act (RA) 9208 o human trafficking at 4 counts ng RA 7610 o Child Abuse and Exploitation Act.
Gayunman, pinaghahanap pa si Yap na hindi naabutan ng mga ahente ng NBI at DSWD sa isinagawang rescue operation sa compound ng God’s Love Theological Seminary sa Tent City, Brgy. Planas, Porac, Pampanga.
Unang nakipag-ugnayan ang DSWD sa NBI CELRO upang aksiyunan ang inihaing liham ng may 29 seminarians/students, na sila ay pinahihirapan sa trabaho bilang construction worker.
Nang salakayin ang nasabing seminary, nailigtas ang 21 katao, kung saan 3 ang menor de edad at nadakip si Lee. Kasalukuyang nasa pangangalaga na ng DSWD Region 3 sa MaÂim pis, San Fernando City, Pampanga ang 21 indibidwal na na iligtas.
- Latest