MANILA, Philippines - Hindi na nakaya ng isang 25-anyos na binata ang problemang pasan sa kanilang pamilya na siyang ugat upang tapusin nito ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa Brgy. South Triangle, lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Ayon kay SPO1 Joel Ga gasa ng Criminal InÂvestiÂgasÂyon and DetecÂtion Unit (CIDU), si RolÂdan Alboro, ay natagpuang nakabitin sa loob ng kanilang banyo sa Scout Borromeo, Brgy. South Triangle, ganap na alas-4:30 ng madaling-araw.
Ayon sa pulisya, probÂlema sa pamilya ang sinasabing posibleng dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima dahil ito lamang inaasahan sa kanila sa mga gastusin sa bahay.
Base sa mga kaanak ng biktima, bukod kay Roldan katuwang sana nito ang kapatid na babae sa paghahanap-buhay para sa gastusin ng kanilang pamilya, subaÂlit nadisÂmaya ito nang maÂlamang nag-asawa na ang kapatid sa Cebu.
Dahil sa pangyayari, naÂlungkot ang biktima at dahil sa problemang wala na siyang makakatuwang sa kanilang pamilya ay naganap ang nasabing insidente.
“Sabi kasi ng kaanak, may pangako daw sa isa’t-isa ang dalawa na magkatuwang sila sa pagÂÂtatrabaho para ma ipaayos ang bahay, eh nag-asawa nga yung babae, kaya siguro hindi niya matanggap at nagpakamatay,†ayon pa kay Gagaza.
Sinasabing maaaring plano na ng biktima na magpakaÂmatay dahil sa mga text nito sa kanyang mga kaanak at kaibigan na tila nagpapaalam.
Si Alboro ay natagpuan ng isang Ryan DaÂvid habang nakabitin sa kisame sa loob ng banyo ng kanilang bahay, gamit ang nylon cord.