^

Metro

Holdaper bulagta sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa sa dalawang holdaper ang nasawi makaraang mabaril ng rumispondeng pulis ilang minuto matapos na biktimahin nito ang isang taxi driver sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat, nakilala ang nasawing suspect na si Baltazar Nepomuceno makaraang maka-eng­kwentro ang tropa ng PS9 na hiningan ng tulong ng hinoldap nilang taxi driver na si Richard Renasia.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Daan Tubo, Brgy. UP campus ganap na alas-6 ng umaga.

Bago ito, sumakay  umano ang mga suspect sa taxi (UVG-871) ni Renasia at nagpahatid sa may C.P Garcia.

Pagsapit sa harap ng Science and Technology Bldg. ng UP ay biglang naglabas ng baril ang dalawang suspect at nagdeklara ng holdap.

Nagpasya ang biktima na magtungo sa nasabing himpilan at humingi ng tulong. Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad kasama ang driver hanggang sa humantong sila sa Daan Tubo, Brgy. UP campus at matukoy si Nepomuceno.

Nang tangkain ng awtoridad na komprontahin si Nepomuceno ay bigla itong naglabas ng baril at pinaputukan ang mga una, pero hindi tumama, dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis at tamaan ito sa sikmura na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Tugis pa ng mga awtoridad ang isa pang kasa­ mahan ni Nepomuceno na patuloy na nakakalaya.

vuukle comment

AYON

BALTAZAR NEPOMUCENO

BRGY

DAAN TUBO

ISA

NEPOMUCENO

P GARCIA

RICHARD RENASIA

SCIENCE AND TECHNOLOGY BLDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with