MANILA, Philippines - Tuluyang nasawi ang isang 14-anyos na high school student na siÂnapak ng kaklase nito na gumamit ng “brass knuckles†sa kamao sa labas ng kanilang paaralan, kamakailan sa Taguig City.
Ayon sa ina ng biktima na si Nelia Habon, nag-enroll lamang umano sa Diosdado Macapagal High School noong nakaraang linggo ang kanyang anak na itinago sa pangalang Juny, nang masagi ang suspek na isa ring menor-de-edad.
Dito umano pinagtuÂlungan ng dalawang binatilyo ang biktima hanggang sa sapakin ito ng isa sa mga suspek na armado ang kamao ng aserong knuckles.
Sa lakas ng pagkakaÂsapak, nawalan ng malay ang biktima hanggang sa isugod siya sa Taguig-Pateros Hospital.
Tumagal nang dalawang araw sa pagamutan ang biktima hanggang sa tuluyang malagutan ng hiÂninga dahil sa pamamaga ng utak.
Sumuko naman sa puÂlisya ang isa sa mga biÂnaÂtilyong suspek na itinago ang pangalan at hawak na ngayon ng Department of Social Welfare and DevelopÂment (DSWD). Hindi naman matiyak kung ito ang sumapak sa biktima.
Samantala, nahirapan naman ang mga mamamahayag na makakuha ng detalye sa insidente kay Taguig Police Chief, Sr. Supt. Arthur Felix Asis, na ilang araw nang naganap sa kanyang hurisdiksyon at itinuturo na lamang ang DSWD. TuÂmanggi itong magbigay ng “spot report†sa insidente.
Nanawagan naman kay Asis ng hustisya ang ina ng biktima lalo na’t nakalalaya pa ang isa pang sinaÂsabing suspek. Matagal na umanong paulit-ulit na nagaganap na panununtok ng mga “bully†sa labas ng paÂaralan na hindi masolusyunan ng pulisya.