MANILA, Philippines - Hindi makikisali at didistansiya ang Manila Police District sa pulitika sa lungsod ng Maynila.
Ito naman ang tiniyak ni MPD Officer in Charge Senior Supt. Robert G. Po, sa kanyang pagdalo sa Balitaan sa Tinapayan kahapon.
Ayon kay Po, mananatiling apolitical ang pulisya kung saan didistansiya sila sa mga kandidatong tumatakbo ngayong halalan at pipilitin nilang huwag makialam.
“Kami naman ay dapat 50 meters away sa area, pipilitin naming dumistansiya sa kanila,†ani Po.
Sinabi ni Po na nagpalabas ng direktiba si NCRPO Director, Chief Supt. Leonardo Espina na nag-aatas sa kanya at sa lahat ng station commanders sa Maynila na huwag silang makikisawsaw sa pulitika.
“Kung may violation ang kandidato, dapat tingnan munang mabuti kung may basehan para hindi makasuhan ng electioneering ang isang pulisâ€, pahayag ng incoming MPD director.
Tinagubilin din aniya ni Espina na bilang officer in charge ng MPD ay hindi siya maaaring magsagawa ng re-shuffle subalit maaari naman siyang magrekomenda kung kailangang sibakin o tanggalin sa puwesto ang kanyang mga nasasakupan.
Tiniyak ni Po na gagawin niya ang kanyang makakaya para mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng MPD.