^

Metro

Police station, pinasabugan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May  hinala ang mga awtoridad na paghihiganti ng isang grupo ng masasamang elemento ang nasa likod ng pambabato ng isang pillbox na sumabog sa mismong harapan ng isang Police Community Precinct  ng Manila Police District-Station 5 (MPD) sa Sta. Ana., Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dakong alas- 3:00 ng madaling-araw nang marinig ang pagsabog  sa Dagonoy-PCP na ikinagulantang ng mga pulis at iba pang residente.

Sinabi ni MPD-station 6 chief,  P/Supt. Remegio Sedanto, nag-imbestiga na ang MPD-Explosive and Ordnance Division na nakitang pillbox ang pinaputok na naging dahilan ng pagkawasak ng salamin sa harapan ng PCP, na puminsala rin sa bubungan.

Ayon naman sa mga nakasaksi, nakasakay umano sa kotse ang naghagis ng pampasabog.

Hinala ni Sedanto, may kinalaman ang pagkakabuwag ng  Caranto Criminal Group ang naturang insidente.

Ito’y matapos aniya nilang mahuli kamakailan ang lider ng grupo na si Arnold Caranto at pagkakapatay sa isa sa limang miyembro nito noong Abril 8, 2013.

Ang Caranto group ang itinuturong responsable umano sa pagtutulak ng iligal na droga, holdapan at iba pang uri ng kriminalidad.

ABRIL

ANG CARANTO

ARNOLD CARANTO

AYON

CARANTO CRIMINAL GROUP

DAGONOY

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

POLICE COMMUNITY PRECINCT

REMEGIO SEDANTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with