Liberian national, lunod sa Manila Bay

MANILA, Philippines - Isang Liberian national na nalunod sa Manila Bay ang natagpuan kahapon sa bahagi ng baywalk sa Roxas Boulevard sa Ermita, Maynila.

Sa pamamagitan ng na­rekober na visa card sa bulsa, kinilala  ang biktima na si Abra­ham Weah, tinatayang nasa  25-30 ang edad, may  taas na 5’10’’, nakasuot ng gray na   Wrangler t-shirt at Esprit ang maong na pantalon.

Sa ulat, dakong  alas -5:00  ng umaga nang makapa sa ilalim ng tubig ng isang nang­huhuli nang talangka na si  Onate ang  biktima na nagha­habol pa ng hininga kaya sinu­bukang  isalba.

Iniahon at isinailalim pa ito ni Onate sa mouth-to-mouth resuscitation  subalit binawian din ng buhay.

Base sa nakuhang impormasyon ng pulisya sa lugar, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-9:00 ng gabi habang nakaistambay sa lugar at nakaupo sa pampang at mukhang nakainom ng alak. 

Nakuha rin sa bulsa ng biktima ang halagang P90.

 

Show comments