MANILA, Philippines - Lalong bumigat ang daloy ng trapiko sa area ng Monumento, Caloocan City matapos gumuho ang ikalawang palapag ng nasunog na Gotesco Grand Central sa Caloocan City kamaÂkalawa ng hapon. Base sa report ng Caloocan City Police, dakong alas-5:10 ng hapon nang biglang gumuho ang ikaÂlawang palapag ng Gotesco Grand Central, na matatagpuan sa naturang lugar kaya’t napilitang isara ang Rizal Avenue Ext., sa harap ng nasabing mall upang linisin ang mga nagkalat na debris mula sa mall na naging dahilan upang lalong bumigat ang daloy ng trapiko sa naturang lungsod. Dakong alas-8:00 ng gabi nang muling buksan ang nasabing kalsada. Base sa rekord ng pulisya, nasunog ang nasabing mall noong Marso 16, 2012 at idineklara itong condemned noong Agosto, 2012. Agad na ipinag-utos ang paggiba sa nasabing mall hanggang sa maganap ang pagguho. Kalalabas lamang umano ng mga manggagawa sa loob ng mall nang gumuho ito kung kaya walang naiulat na nasaktan.