Mag-asawang Rasuman, nagkita sa kulungan
MANILA, Philippines - Inilipat na kahapon mula sa piitan ng Pasay City Police District patungo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang naarestong misis ni Coco Rasuman, utak sa isa sa pinakamalaking investment scam sa bansa.
Kahapon ay itinurn-over ni Pasay Police chief Senior Supt. Rodolfo Llorca sa NBI si Princess Aliah Tomawis Rasuman, na sinuotan pa ng bullet proof vest at Kevlar helmet sa pagbiyahe dahil sa banta sa buhay nito.
Dahil dito, naghigpit ng seguridad ang NBI sa pagÂlipat ni Rasuman sa NBI-Main sa Taft Avenue, sa Ermita, Manila.
Ngayong kapwa nasa kosÂtudiya na ng NBI ang mag-asawang Rasuman, sinabi ni Rod Macoy, head ng NBI Security Management division kaya mas dobleng higpit na seguridad ang kanilang gagawin dahil sa dami ng nagbabanta sa buhay ng mga ito mula sa mga naging biktima ng kanilang investment scam, kabilang na ang mga nabiktima sa Marawi City.
Napag-alaman na si Princess Rasuman ay sinasabing naging secretary ng kanyang asawa sa investment na umano’y nakakolekta ng halos nasa P300 milyon sa mga biktima noong 2011 hanggang 2012.
Si Rasuman ay nadakip sa inilatag na operasyon ng grupo ni C/Insp. Ernesto Eco Jr., hepe ng Pasay City Special Operations Unit sa isang bahay sa Commonwealth Avenue sa lungsod ng Quezon, matapos umanong makatanggap ng tip, gamit ang warrant of arrest sa kasong syndicated estafa.
- Latest