MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na tadtad ng saksak sa katawan ang itinapon sa isang lugar sa Brgy. North Fairview, Quezon City, kahapon ng maÂdaling-araw.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay nadiskubre ng isang residente habang nakasubsob sa kahabaan ng Adrian St., North Fairview Park Subdivision.
Sinabi ni SPO1 Pascual Fabreag, ang biktima ay may marka ng tali sa leeg at mga tama ng saksak sa buong katawan na siya umanong ugat sa pagkamatay nito.
Nakita ang bangkay ng biktima ganap na alas- 3:35 ng madaling-araw. Ito ay tinatayang nasa paÂgitan ng 30-35-anyos, may taas na 5’4’’, payat at moreno.