Tanggapan ni Vice Mayor Joy B, nabuslo ang ‘most gender-sensitive award’

MANILA, Philippines - Nabuslo ng tanggapan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang titulong  ‘most gender-sensitive office’ bilang pagkilala sa mga programa at aktibong pagsuporta ng tanggapan nito para sa  karapatan at kapakanan ng mga kababaihan sa lungsod.

Ang parangal na ito ay bahagi pa rin sa pagdiriwang ng lungsod sa ‘Women’s Month’.

Ang  QC government sa pamamagitan ng Gender and Development Resource and Coordinating Office ay nagkaloob ng parangal sa  Office of the Vice Mayor  dahil sa walang sawang pagtulong at gender sensitive programs na nagpo-promote ng  gender equality sa mga taga-lungsod.

Ang QC din ang nangu­nguna sa hanay ng mga  local government units sa pagkakaroon ng gender mainstreaming activities at mga programa sa mga constituents­.

Ang pagdiriwang  sa  Women‘s Month ay taunang ginagawa sa QC bilang pagsuporta at pagkilala sa mga kababaihan sa kanilang commitment at dedikasyon sa pagsisilbi sa komunidad para maiangat ang social, political at economic aspect of go­vernance.

 

Show comments