Saksak ibinayad sa driver ng pedicab
MANILA, Philippines - Saksak ang ibinayad sa isang pedicab driver ng dalawang hindi nakikilalang mga pasahero kamakalawa ng gabi sa Navotas City.
Nasa kritikal na kondisÂyon at nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Alejandro Jo, 41, ng Brgy. San Rafael Village ng nabanggit na siyudad, sanhi ng tinamong ilang saksak sa katawan.
Ayon sa inisyal na pagsiÂsiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa kahabaan ng Vicenta St., ng nabanggit na barangay habang namamasada ang biktima ng kanyang pedicab kung saan sumakay ang dalawang suspect.
Pagsapit sa lugar na pupuntahan ng mga suspect ay siningil ang mga ito ng biktima, subalit sa halip na pera ay saksak ang tinugon ng mga suspect sa biktima, dahilan upang isugod ito ng ilang taong nagmamalaÂsakit sa nabanggit na ospital habang mabilis namang tumakas ang mga suspect.
Patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso.
- Latest