2 nagbigti sa Maynila
MANILA, Philippines - Pagkakaroon ng sakit na kanser at pagkabigo sa pag-ibig ang nakikitang dahilan sa pagpapakamatay ng dalawang lalaki na natagpuang nakabigti sa magkahiwalay na lugar sa Binondo at Sampaloc, Maynila.
Alas-12:30 ng tanghali kahapon nang natagpuang nakabigti ang biktimang si Juanito Reyes, 53, ng Gate 16 Parola Compound, Binondo, Maynila.
Huling nakitang buhay ni Rochelle del Rosario, pinsan ng biktima dakong alas- 6:30 ng umaga nang bigyan niya ito ng kape.
Pinuntahan niya ang biktima sa kuwarto upang mananghalian subalit laÂking gulat niya nang makitang nakabigti ito gamit ang kulay dilaw na nylon cord.
Hinala ni del Rosario, hindi na nakayanan ng biktima ang iniinda nitong cancer sa buto kaya naisip nitong magpakamatay.
Samantala dakong alas- 7:30 ng umaga kahapon nang itinawag ang pagpapakamatay ni Rolando Bucacao, 44, special child, ng 826 Mindoro St. Sampaloc, Maynila.
Ayon sa imbestigasyon, si Bucacao ay natagpuang nakabitin ng kanyang pinsan na si Sarah sa loob ng kanyang kuwarto gamit ang kulay dilaw na nylon cord.
Nabatid na binasted umano ang biktima nang kanyang nililigawan kaya naisip nitong magpakamatay.
- Latest