Trader, 1 pa tinodas sa loob ng bahay
MANILA, Philippines - Patay ang isang negosyante at isa pang lalaki nang pasukin ng mga hindi pa nakikilalang suspect sa magkahiwalay na insidente sa Maynila at Pasay City.
Sa kanyang mismong folding bed na tinutulugan namatay si Leonardo Duno, 47, ng #1009 C. Planas St, Tondo, Maynila nang pasukin at pagbabarilin dakong alas-12:45 ng madaling-araw ng riding in tandem.
Matapos ang pamaÂmaril ay agad na tumakas ang gunman at sumakay sa naghihintay na motorsiklo.
Nabatid na sa ibaba lamang ng bahay natutulog ang biktima at sa folding bed lamang umano ito nakahiga nang pasukin ng suspect.
Hindi naman tinukoy sa ulat kung ano ang negosyo ng biktima.
Batay sa pahayag ng pamangkin ng biktima na si Fritz ExaÂmien, nakarinig siya ng mga putok at nang tingnan sa ibaba ang tiyuhin ay duguan itong walang buhay sa folding bed.
Samantala, inaalam din ng pulisya ang motibo ng pagpatay kay Eduardo Gutierrez, 36, ng Block 8 Lot 15 Bo. Filipino, ng Pasay City.
Bagama’t naisugod pa ito sa Pasay City General Hospital, namatay din ang biktima dahil na rin sa dami ng tama ng bala ng baril sa mukha.
Sa ulat ng Pasay Police, dakong ala-1 ng madaling araw nang umalingawngaw ang putok ng baril sa sala ng bahay ng biktima.
Agad namang nagiÂsing ang ama ng biktima na natutulog sa ikalawang palapag ng bahay at tinungo ang sala kung saan nadiskubre ang duguang bangkay ng anak.
Patuloy d in namang inaalam ang background ng biktima upang makabuo ng teorya sa motibo ng krimen. Inaalam rin sa mga kaanak nito kung may kilalang kaaway ang biktima.
- Latest