NCRPO handa na sa Semana Santa

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) para ipatupad ang mahigpit na seguridad sa paggunita ng Se­mana Santa na umpisa ngayong araw ito ng Linggo ng Palaspas.

Ayon kay NCRPO Chief Director Leo­nardo Espina, nakaraang linggo pa niya pinulong ang limang district directors sa Metro Manila na maipatutupad ang mahigpit na seguridad sa kanilang mga nasasakupang lugar upang mapanatili ang katahi­mikan  ngayong Semana Santa.

Sinabi pa ni Espina, nagtalaga na rin ang pulisya ng mga police assistance desk at route marshals  sa mga pangu­nahing terminal sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila lalo na sa mga  simbahan, malls, pantalan, paliparan at sa mga matataong lugar.

Idinagdag pa ng opis­yal na magiging ka­tuwang nila ang Metropolitan Manila Development Autho­rity, Highway Patrol Group at iba pang law enforcement agency na magpa­pa­tupad ng mahigpit na se­guridad.

 

Show comments