^

Metro

Hardware tinupok ng apoy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P3-milyon ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap sa isang hardware sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Nabatid na ang sunog ay nagsimula dakong alas-10:30 ng gabi sa isang hardware na makikita sa Ortigas Extension, Brgy. Sta. Lucia sa lungsod.

Umabot sa  ikatlong alarma ang sunog na tumagal ng mahigit sa dalawang oras bago tuluyang naapula.

Nahirapan ang mga kagawad ng pamatay-sunog na patayin ang  apoy  dahil sa nasunog na pintura at thinner at kinailangan pang gamitan ng foam solution.

Wala namang naiulat na nasaktan o kaya’y nasawi sa nasabing sunog na hindi pa batid ang pinagmulan nito.

 

BRGY

NABATID

NAHIRAPAN

ORTIGAS EXTENSION

PASIG CITY

SUNOG

TINATAYANG

UMABOT

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with