^

Metro

‘Metro Alalay’ pakikilusin ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling bubuhayin at pangungunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “Oplan Metro Alalay” kung saan higit sa 1,800 tauhan ang ikakalat sa kalsada umpisa ngayong Biyernes.

Sinabi ng MMDA na nakipagkoordinasyon na sila sa Philippine National Police at mga lokal na pama­halaan para sa pag-alalay sa mga biyahero na inaasahang mag-uumpisang magtungo sa kanilang probinsya at magbakasyon ngayong Biyernes.

Mabibigay-tulong ang mga bumubuo sa ‘Oplan Metro Alalay’ sa mga paliparan, bus terminals at pier na dadagsaan ng mga pasahero at sa mga kalsada na entry at exit points ng Metro Manila.

Nakatutok ang MMDA sa mga kilalang traffic choke points kabilang ang Balintawak, McArthur Highway, Ortigas Avenue Extension, Sumulong Highway, Marcos Highway, Roxas Boulevard, Alabang, Pasay, at Cubao.

Magtatalaga rin ng mga tauhan sa mga kalsada tungo sa mga “pilgrimage sites” tulad ng mga grotto sa Antipolo, Rizal at San Jose del Monte, Bulacan at mga kilalang simbahan sa Metro Manila.

 

BIYERNES

MARCOS HIGHWAY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OPLAN METRO ALALAY

ORTIGAS AVENUE EXTENSION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROXAS BOULEVARD

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with