Ex-con itinumba, ikinahon pa

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang sinalvage ang isang lalaki matapos na matagpuang nakasilid sa isang kahon, kahapon ng madaling-araw sa  Ermita, Maynila.

Hindi matapos ang paghagulgol ni Jocelyn Rabagat nang makita ang  bangkay ng kanyang live- in partner na  si Angelito Bello, 31, miyembro ng Batang City Jail na nakalaya at  matagal na umanong nagbago. Sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Benitez ng MPD homicide,  pasado ala-una ng madaling-araw nang  matagpuan  ng isang vendor ang itinapong kahon na binalutan ng packing tape sa McArthur Bridge sa Ermita, Maynila.

Sa pag-aakalang  may mapakikinabangan binutas  ng testigo ang kahon saka sinilip at dito ay nakita ang  paa ng tao.

Sa imbestigasyon ng SOCO, nagtamo ng apat na tama ng bala sa dibdib mula sa hindi nabatid na kalibre ng baril  ang biktima.

 

Show comments