Punerarya ipinadlak ng Manila DSW
MANILA, Philippines - Tuliyang ipinasara ng Manila Department of Social Welfare ang isang punerarya maÂtapos mabigong maipaliwanag kung bakit nakabuyangyang ang hubo’t-hubad na katawan ng daÂlagang cum laude ng PaÂÂmantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na patay sa holdapÂ, kamaÂkailan, sa Sta. Cruz, Maynila.
Nabatid na dakong alas-2:00 ng hapon kahapon nang ipadlak ang Universal Funeral Parlor sa Rizal Avenue, malapit sa panulukan ng Herrera St., sa Sta.Cruz, Maynila.
Nag-ugat sa pagsaÂsara ng nasabing puneÂrarya, matapos maghain ng reklamo ang isang Jessie Concepcion, ama ng biktimang si Christine Dawn Concepcion, 20.
Bukod sa awa sa malupit na kamatayan sa kamay ng mga holdaper, lalo pang nahabag ang ama at ilang kaanak nang makitang walang saplot o kumot ang bangkay ng dalaga nang dalhin sa naturang puneÂrarya.
- Latest