Obrero humampas ang ulo sa pader, tigok

MANILA, Philippines - Patay ang isang factory worker matapos itong mauntog  sa pader nang  mabagsakan ng lalagyan ng pampalasa sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo ang biktimang si Henry Lagunsad, 18,  ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente  dakong alas-7:30 ng umaga, habang nagdidiskarga ng mga lalagyan ng spicy ang biktima mula sa elevator sa ikalawang palapag ng CDO Foodsphere Inc., sa West Service Road, Bgy. Paso De Blas.

Aksidenteng bumagsak sa biktima ang  mga lalagyan ng  pampalasa na  naging dahilan upang mawalan naman ito ng  balanse at mauntog ang  ulo sa pader.

 

Show comments