Tinga no-show sa peace covenant signing
MANILA, Philippines - Nadismaya ang mga organizer ng peace covenant signing ng mga kandidato na isinagawa sa St. Anne Parish Church sa Brgy. Sta. Ana, Taguig noong Biyernes matapos na hindi siputin ng ilang kandidato dahil sa pang-iisnab dito ng ilang kandidato.
Kabilang sa mga hindi sumipot sa pagtitipon na inorÂganisa ng Philippine National Police (PNP) at ng lokal na COMELEC sina Rebecca Tinga na kumakandidato sa pagka-alkalde, bunsong anak ni dating Supreme Court associate justice Dante Tinga na magugunitang natalo noong labanan sa pagka-alkalde sa Taguig noong 2010 at kapartido nitong si Henry Duenas na tumatakbo sa pagka-kongresista ng ikalawang distrito ng lungsod.
Ayon kay Taguig Chief of Police, Sr. Supt. Arthur Felix Asis, hinangad nilang lumagda ang lahat ng kandidato nang sa gayon ay makuha nila ang commitment ng bawat isa para suportahan ang pagkakaroon ng patas, malinis at maayos na halalan sa Mayo.
Lumahok sa pagtitipon na tinaguriang Peace CoÂvenant for a Secure and Fair Elections (SAFE) ang mga kinatawan mula sa COMELEC-Taguig, Taguig Police at maging ang election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Ang mga luÂmagda sa peace covenant ay nangakong hindi gagamit ng dahas, paninira, pamimili ng boto at pandaraya sa darating na halalan.
Samantala, tiniyak ni Mayor Lani Cayetano na kanyang tutuparin ang mga nakasaad sa nilagdaan niyang peace covenant.
Si Cayetano ang kasalukuyang alkalde ng Taguig na tumatakbo para sa ikalawang termino na nanguna sa ticket ng Nacionalista Party.
Ayon naman kay Rev. Fr. Jhun Sanchez ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Diocese of Pasig na siyang nagbigay ng sermon sa misa bago ginawa ang peace covenant signing, mas maganda sana kung kumpleto ang mga kandidato.
- Latest