‘Hangga’t ako ang mayor, ospital, eskuwelahan libre’ – Lim

MANILA, Philippines - Tiniyak ni  Manila Mayor Alfredo S. Lim  na mananatiling libre ang pagpapaospital at pagpapaaral sa mga Manilenyo hangga’t siya ang  alkalde ng Maynila.

Ang paniniyak ay ginawa ni  Lim kasabay ng kanyang pagharap sa forum sa mga barangay officials at residente  sa Sampaloc, Maynila  na inorganisa  ni  barangay bureau head Atty. Analyn Buan at deputy director Romy dela Vega kahapon kung saan sinagot ng alkalde ang umano’y kasinungalingan na ipinakakalat ng kanyang mga kalaban.

Ayon kay Lim, walang katotohanan na ipasa­sara ang isang ospital at paaralan sa lungsod.

“Ito nasabi ko na sa ibang distrito at sasabihin ko rin sa inyo.  Hangga’t ako ang naka­upong alkalde, walang eskwelahan o ospital na isasara. Bakit isa­sara? Eh kaya ko nga ipinatayo ang mga ’yan para sa mahihirap na walang pambayad sa tuition o pagpapagamot?” ani Lim.

Bago ito, dumalo muna sa medical mission  si Lim kung saan kasama sina vice mayoral candidate Lou Veloso (Councilor, 6th district), Manila Police District Director Chief Supt. Alex Gutierrez, mayor’s complaint and action team director ret. Col. Franklin Gacutan, chief of staff at media bureau director Ric de Guzman at health department chief Dr. Benjamin Yson.

 

Show comments