70 bgy. chairmen sumuporta kay Lim, Veloso
MANILA, Philippines - Umaabot sa 70 pang mga barangay chairman na kaalyado ni dating Manila Mayor Lito Atienza ang nagpahayag ng kanilang suporta sa tandem nila Manila Mayor Alfredo Lim at Councilor Lou Veloso sa nalalapit na halalan.
Sa ginanap na breakfast meeting, pinangunahan nina Noli Mendoza at Jason Valencia ang pagsuporta dahil sa mga naipatupad na proyekto ni Lim sa lungsod bukod pa sa malinis na reputasyon at kredibilidad nito.
“Kung nung presidente nga `yung kalaban wala siyang ginawa, lalo na sa Maynila. Buong Pilipinas jino-joke joke niya, Maynila pa kaya?†patungkol ni Mendoza kay dating PaÂngulong Joseph Estrada.
Tiniyak ni Mendoza na lubos ang ibibigay nilang suporta kay Lim dahil ito ‘true-blue’ Manileño at hindi nagbubuo ng kanyang dynasty sa lungsod.
Ipinakita din ni Mendoza ang manifesto na pirmado ng mga barangay chairman.
Dumalo din sa pagtitipon sina chief of staff at media bureau chief Ric de Guzman, mayor’s complaint and action team head ret. Col. Franklin Gacutan, deputy mayor Joey Silva, Manila Police District director Chief Supt. Alex Gutierrez, mga station commanders, Bgy. Chairman Ligaya Santos at mga barangay chairmen mula sa 4th district sa pangunguna ng kanilang kandidato na si councilor Guia Castro.
- Latest