Opisyal ng PNP na humalay sa 15-anyos, binigyan ng ultimatum
MANILA, Philippines - Binigyan ng ultimatum ng paÂmunuan ng Southern Police District (SPD) ang isang opisÂyal ng Parañaque Police Station upang sumuko at haÂrapin ang reklamong isinampa laban sa kanya kaugnay ng panggaÂgahasa sa isang 15-anyos na dalagita.
Inaasahang matatapos ngayong Biyernes ang 36-oras na palugit na inilabas ni SPD Director, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte nitong nakaraang Miyerkules upang sumuko si P/Sr. Insp. Mujalni Dugasan, nakatalaga sa Parañaque PoÂlice Community Precinct 3.
Ito ay makaraang kumpirmahin ni Parañaque Police acting chief, P/Sr. Supt. Andrei Felix na hindi na nag-report si Dugasan sa kabila na pormal siyang ipinatawag upang sagutin ang akusasyon. Hindi na rin umano ito natagpuan nang puntahan ng mga kapwa niya pulis sa tirahan nito sa Las Piñas City.
Sa inisyal na ulat, naganap ang panggagahasa sa dalaÂgita sa loob ng Toyota Innova (ZCB-451) na ipinarada sa parkÂing lot ng Parañaque PoÂlice Station sa may Dr. A. Santos Avenue sa Brgy. San Dionisio dakong alas-8 ng Martes ng gabi.
Lumalabas sa imbestigasyon, bago ang nangyaring panghahalay, nakatayo umano si Dugasan sa harapan ng PCP-3 sa Brgy. La Huerta nang tawagin niya ang dalagita at makipagkuwentuhan. Inalok umano ng opisyal ang biktima na ihatid sa bahay nito ngunit nang nasa loob na ng sasakÂyan ay dito umano ito hinalay.
Nagreklamo naman ang biktima kasama ang mga maÂgulang sa PCP 3 ngunit bago madala sa Parañaque Police headquarters ay nagawa ni Dugasan na makasakay ng sasakyan at makatakas.
Dahil dito, bumuo na ng Task Force ang Parañaque Police at SPD para dumakip kay Dugasan habang irerekomenda umano ni Villacorte ang pagkakatanggal nito sa serbisyo.
Nakatakdang isampa ang kasong panggagahasa laban sa suspek kapag natapos na ang palugit para sa kanyang pagsuko.
Base rin sa rekord, nakatakda nang magretiro si Dugasan sa darating na Agosto makaraan na mapasok sa serÂbisyo noon pang 1978.
- Latest