BI nagbigay ultimatum sa mga dayuhan

MANILA, Philippines - Hanggang  sa darating na Biyernes na lamang (Marso 1) tatanggap ng annual report mula sa mga dayuhan ang Bureau of Immigration (BI).

Nagdagdag na rin ang tanggapan ng special annual report desk sa iba’t ibang opisina ng BI para maasikaso ang pag­dagsa ng mga hahabol sa deadline.

Noong Enero 2 pa sinimulan ang taunang pagpapatala.

Alinsunod sa Alien Registration Act of 1950, lahat ng mga dayuhan na nanunuluyan sa bansa ay obligadong mag-report sa BI sa kada unang 60-araw kada taon.

 

Show comments