Mister utas sa bugbog ng 2 kapitbahay

MANILA, Philippines - Patay ang isang 36-anyos na mister makaraang pagtulu­ngang bugbugin ng dalawang kapitbahay dahil lamang sa simpleng biruan sa inuman sa lungsod Quezon kamakalawa.

Si Charlie Ignacio ay na­gawa pang maitakbo sa Quezon City General hospital ma­tapos na mawalan ng malay dahil sa tinamong panggugulpi, pero idineklara din itong dead- on-arrival.

Ang itinuturong suspect na kinilalang sina Ferdinand Kevin Quimbang, 40; at Raymark Ebale, 22, kapwa residente sa Brgy. Veterans Village, Project 7  ay agad namang naaresto ng mga awtoridad.

Nangyari ang insidente sa harap ng bahay ng mga suspect sa  36 B, Lanete St.,  Brgy. Veterans Village, ganap na alas- 7:30 ng gabi.

Sinabi ng testigong si Joseph Meek, matapos ang kanilang inuman ng biktima, narinig niya ang huli na binibiro ang suspect na si Quibang na nakikipag-inuman din sa kanyang kapatid at sa suspect na si Ebale.

Dito ay nagsabi umano ang biktima sa suspect na si Quibang ng katagang “Kuya pahiram nga ng baril mo babarilin ko lang ito.”  Dahil dito, nagalit si Quibang at pinagtulungan nilang pagbubugbugin ang biktima.

Sa follow-operations ng mga awtoridad ay agad namang naaresto ang mga suspect at dinala na sa him­pilang CIDU sa Camp Kari­ngal para sa kaukulang pagsi­siyasat.

 

Show comments