^

Metro

PNP camps babantayan ng mga security guard

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binabalak ng Philippine National Police (PNP) na mag-hire ng mga security guards upang magbantay sa gate ng mga panguna­hing kampo ng pulisya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., kung saan ay nagsagawa na ng tatlong araw na dry-run ang PNP- Headquarters and Support Service (PNP-HSS) upang tingnan kung epektibo ang nasabing plano.

Nitong Lunes kapansin-pansin na ang mga security guards ang nagbabantay sa Gate 2 ng Santolan sa Camp Crame na naging maganda naman aniya ang inisyal na feedback sa mga sibilyan.

Nabatid na 21 security guards mula sa Utopia Security Agency ang nag­halinhinang magbantay sa Gate 2 ng Camp Crame sa ilalim ng PNP-HSS na pinamumunuan ni Sr.Supt Ramon Apolinario pero nilinaw ni Cerbo na nasa ilalim pa rin ito ng superbisyon ng PNP.

Ang hakbang, ayon pa kay Cerbo ay naglalayong makatipid ng pondo ang PNP dahilan mas malaki ang suweldo ng isang PO1 na uma­abot na ng P18,000 kada buwan kasama na ang mga benepisyo  habang sa security guard ay P10,000–P12,000 lamang ang magagasta ng PNP.

Inihalimbawa ni Cerbo na maging sa truck ng basura na isang PO1 ang nagmamaneho ay maaari na itong gawin ng sibilyan upang ang mga pulis ay sa mga trabaho na naayon sa mga ito, tulad sa paghabol sa mga kriminal at gawaing administratibo ituon ang kanilang konsentrasyon.

Sa kabila naman ng ilang insidente na nalusutan ng mga kriminal ang mga security guard partikular sa mga mall sa nakalipas na buwan, sinabi ni Cerbo na nasa pagsasanay lamang ito at kung may mga ka­sama ring pulis na nagsu­superbisa ay mahihirapan ang mga masasamang elemento.

CAMP CRAME

CERBO

GENEROSO CERBO JR.

HEADQUARTERS AND SUPPORT SERVICE

NITONG LUNES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

RAMON APOLINARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with