^

Metro

Human Rights desk sa ospital, barangay aprub kay Lim

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pabor si Manila Mayor Alfredo Lim sa panukala ni Commission  on Human Rights (CGR) chair Etta Rosales na paglalagay ng  human rights desk sa mga ospital, barangay at police station.

Ayon kay Lim, nanini­wala  siyang dapat na kilalanin ng bawat mamamayan ang karapatang pantao ng  bawat mamamayan.

Dahil dito, inatasan ni Lim ang kanyang mga opis­yal na ayusin ang mga detalye hinggil sa paglalagay ng human rights desks gayundin ang Women and Children Protection Unit sa bawat  barangay, ospital at police stations at hindi na kailangan pang  dumaan sa isang ordinansa.

Kasabay nito, pinuri ni Rosales ang pagkilala ni Lim sa karapatan ng Manilenyo sa pamamagitan ng  pagtatayo ng mga ospital at barangay health centers.

Ginawa ni   Rosales ang pagkilala sa nagawa ni Lim nang  bumisita ito sa Manila City Hall upang ilahad sa alkalde ang Gender and Development Assistance Program na naglalayong itatag ang Women’s and Child Protection Units sa lahat ng mga ospital na tututok sa mga biktima ng pang-aabuso tulad ng pangga­gahasa at pambubugbog.

Bagama’t  isinasagawa na ng social welfare depart­ment  ng City Hall sa pama­magitan ni Jay dela Fuente ang mga aksiyon sa mga biktima, malugod pa ring tinanggap ni Lim ang mga panukala ni  Rosales kung saan inatasan nito  si chief of staff at media bureau director Ric de Guzman na makipag-ugnayan  sa mga tauhan ni Rosales upang mas mapalakas ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan partikular sa mga mahihirap at bata.

“Ang kalusugan ay napakahalagang usapin sa­pagkat ang isang tungkulin ng human rights office ay pa­ngalagaan ang karapatang pangkalusugan  upang tayo ay mabuhay ng mapayapa at malaya. Ano pa ang kahalagahan ng ating pagkatao kung wala tayong kalusugan?” ani Rosales.

CHILD PROTECTION UNITS

CITY HALL

ETTA ROSALES

GENDER AND DEVELOPMENT ASSISTANCE PROGRAM

HUMAN RIGHTS

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with