MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta dahil isasara ang ilang bahagi ng EDSA AveÂnue bukas (Feb. 25) kaugnay ng pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng People Power Revolution I.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, simula ngayong alas-2:00 ng madaÂling-araw ay isasara ang magkabilang lanes ng White Plains Drive para sa “Run for Juanâ€.
Alas-5:00 ng madaling- araw ang kahabaan ng EDSA north-bound bus lanes at ikatÂlong lane mula sa Julia Vargas hanggang Guadix Road tatlong lanes ng EDSA Ortigas flyover ay pansamantala rin isasara.
Isasara naman ang kabuuan ng EDSA north-bound lane mula sa Ortigas Avenue patungong Santolan simula alas-5:00 ng madaling-araw para sa anibersaryo ng People Power Revolution.
Pinayuhan din ng MMDA ang mga motorista na kumanan na lamang sa Julia Vargas patungo sa kanilang destinasyon o kaya ay dumaan sa EDSA flyover at kumaliwa sa Ortigas Greenhills, patungo sa kanilang pupuntahan.
Bukas Pebrero 25, bandang alas-12:01 ng hatinggabi isasara ang lanes 3 at 5 mula sa Corinthians hanggang Camp Aguinaldo gate 3 para sa platform construction at maÂgaÂgamit ang isang lane ng White Plains Drive.
Payo ng MMDA sa mga motorista, kumanan sa Guadix Road patungo sa destinasyon sa EDSA flyover at kumaliwa sa Ortigas Greenhills.