Motorsiklo vs taxi: 3 rider patay
MANILA, Philippines - Tatlong lalaki na magkaÂkaangkas sa isang motorsiklo ang pawang nasawi makaraang mawalan ng kontrol at bumangga sa isang taxi habang bumabagtas sa C5 Road sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang tatlong naÂÂÂsawi na sina Rey Mark PontayÂ, driver ng motorÂsiklo; Daryl Ramirez at Aldrin Visbal.Â
Sa inisyal na ulat ng Pasig City Police-Traffic Management Unit, binabagtas ng mga biktima lulan ng isang Kawasaki motorcycle (6064-OC) ang C5 south-bound lane sa Brgy. Bagong Ilog, Pasig buhat sa Makati City dakong alas-12:10 ng madaÂling-araw nang mawalan ng kontrol pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada bago umakyat ng flyover.
Nagpagewang-gewang umano ang motorsiklo hanggang sa rumampa ito sa center island at tumawid sa kabilang lane. Dito sumalpok ang mga biktima sa parating na Toyota Vios (TXU-971) na taxi na minamaneho ni Michael Ugpay, 24, ng Camarin, Caloocan City.
Sa lakas ng pagkakaÂbangga, tumilapon ang tatlong biktima sanhi ng agad na kamatayan ng dalawa sa mga ito habang ang isa ay nasawi habang isinusugod sa Rizal Medical Center.
Agad namang sumuko sa mga awtoridad si Ugpay na isinasailalim sa imbesÂtigasyon at posibleng maÂsampahan ng kasong multiple homicide resulting to reckless imprudence.
Samantala, inaalam din ng mga imbestigador kung nakainom ng alak ang mga biktima at kung lahat ng mga ito ay may suot na helmet.
- Latest