MANILA, Philippines - Dahil sa ininom na apple juice na nagkakahalaga ng P17.50 ay rehas na bakal ang binagsakan ng 20-anyos na kawani ng mall matapos aresÂtuhin ng security guard sa MandaluÂyong City noong Sabado ng gabi.
Hindi naman pinaÂkinggan ang paghingi ng tawad sa pamunuan ng mall bagkus ay ipinakulong ang suspek na si Raymart de los Reyes, mall maintenance at nakatira sa Midway Park Subd., Caloocan City.
Ayon sa mall representative na si Ramon Palarca, kinuha ng suspek ang iced tea juice mula sa display rack kung saan hindi dumiretso sa cashier para magbayad kundi nagtungo sa electrical room at ininom ang nasabing juice.
Lingid sa suspek ay sinundan siya ng security guard na si Emil Mendoza at kiÂnompronta sa kanyang ginawa.
Naintindihan naman ni Mendoza ang paliwanag ng suspek na nauuhaw siya kaya nagawang inumin ang juice subalit kailaÂngang ipagbigay-alam sa kanÂyang bisor para sa kaukulang disposisyon.