^

Metro

Nagtangkang dumukot sa 2 paslit, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaiwas man sa bala buhat sa mga baril na ayaw pumutok, ospital pa rin ang binagsakan ng isang 24- anyos na lalaki na nagtangka umanong tumangay sa dalawang paslit sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Nakatakdang kunan ng pahayag ng mga pulis ang suspek na si Enrico Sedenio, residente ng Brgy. Merville, makaraang dalhin sa Parañaque District Hospital nang mawalan ng malay matapos na tamaan ng malaking tipak ng bato sa ulo.

Ayon sa ulat, una nang nakita ng mga resi­dente ang suspect na nag­tatakbo sa hindi pa malamang dahilan at biglang hinablot ang batang si Donna Elizabeth Toredes,11- anyos  na noon ay naglalaro sa may South Admiral Village dakong alas-10 ng umaga.

Nakita ng mga lalaki sa lugar ang paghablot sa bata kaya’t hinabol at pinagbabato nila ang suspect na naging dahilan upang mabitiwan nito ang paslit.

Sumunod na hinablot at kinaladkad ng suspek ang 8-anyos na si Ange­lica Torres, subalit nanlaban ang ina nitong si Arlene. Habang nakikipag-agawan sa ina ng bata, sinugod ng driver na si Jonas Ravino ang suspek ngunit kinagat siya nito.

Tinangka namang paputukan ng security guard na si Rodrigo Olandia ang suspek ngunit ayaw umanong pumutok ang kanyang handgun at ma­ging ang kanyang shotgun kahit na nasa maayos na kundisyon ang mga ito.

Natigil lamang ang pagwawala ng suspect nang tamaan siya ng malaking tipak na bato sa ulo buhat sa mga humahabol na lalaki na ikinawala nito ng ulirat.

Nakita sa nakasuot na sinturon ng suspect ang mga kulay pulang bato na hinihinalang agimat umano nito laban sa bala.

Patuloy namang ina­alam ng mga awtoridad kung taga-saan ang na­turang suspect at ang motibo sa pagtangay sa mga bata.

DISTRICT HOSPITAL

DONNA ELIZABETH TOREDES

ENRICO SEDENIO

JONAS RAVINO

NAKITA

RODRIGO OLANDIA

SOUTH ADMIRAL VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with