Sinibak na pulis, huli sa karnap
MANILA, Philippines - Makaraang masibak sa tungkulin bilang pulis, naÂaresto naman ngayon dahil sa kasong carnapping ang isang dating alagad ng batasÂ, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Nahaharap ngayon sa kaso ang suspek na nakilalang si ex-PO1 Eric Domingo, dating nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion at naninirahan sa Simplicio Compound, sa naturang lungsodÂ.
Sa ulat ng Parañaque Anti-Carnapping Unit, unang nagÂreklamo sa kanila ang biktima na si Normelita delos Santos, na nag-ulat na natangay ang pag-aari niyang Yamaha Mio habang nakaparada sa tapat ng kanyang bahay. Nakunan naman ng CCTV ang suspek na si Domingo na siyang tumangay ng motorsiklo.
Agad na sinalakay ng pulisya ang bahay ng suspek dakong alas-6 kamakalawa ng gabi kung saan natagpuan ang nawawalang motorsiklo. Agad namang natiklo si Domingo na todo-tanggi sa akusasyon kahit na kitang-kita siya sa video footage.
Nabatid naman kay Chief Insp. Enrique Sy, hepe ng Investigation Unit ng ParaÂñaque Police na maÂraming beses nang nasangkot si DoÂmingo sa mga kaso ng extortion bago ito masangkot sa karnap.
- Latest