Snatcher dedo sa boga

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na miyembro ng Batang City Jail (BCJ) ang namatay nang barilin ng nakaaway nito, sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead on the spot si  Deomavic Lagrimas, ng Basan St., Quaipo, Maynila, umano’y kilalang snatcher sa lugar at kalalaya pa lamang umano sa kulungan noong Nobyembre sa kasong robbery.

Wala pang pagkilanlan sa tumakas na suspect na sakay ng motorsiklo.

Sa inisyal na ulat  ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng Mamon Luk Restaurant , sa Quezon Boulevard, sa Quezon Bou­levard, Quiapo, Maynila.

Nakitang nakikipag-away ang biktima sa suspect hanggang sa naglakad palayo ang una  na sinundan ng suspect na sakay ng motorsiklo.

Dinikitan nito ang biktima, pinagtatadyakan at binaril bago tinakasan.

 

Show comments